CLIMATE-SMART AGRICULTURE 🌱🌦️🚜🌞🌍

Isinusulong at pinalalakas ng AMIA-DA12 ang Climate Information Services o CIS sa pamamagitan ng Agro-Climatic Advisory Portal (ACAP) survey.

Mahalaga ang CIS sa mga magsasaka sapagkat ito ang nagbibigay ng mga impormasyon at decision-support tools na makakatulong sa kanila na mapahusay ang kanilang produksyon, maibsan ang mga panganib, at mapalakas ang kanilang kabuhayan sa gitna ng patuloy na pagbabago ng klima tulad ng patuloy na ulan, tagtuyot, o bagyo. Sa tulong nito, maaari silang magplano ng tamang oras para sa pagtatanim, pag-aani, at iba pang gawain sa sakahan.

Isinagawa ang ACAP survey sa mga AMIA villages na matatagpuan sa Brgy. Bacong, Nabundasan, New Panay at New Culasi, Tulunan, Cotabato.

#AgriTayoSoccsksargen#AMIASOCCSKSARGEN#ClimateAction#IbaAngMayAlam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *