#WEcanbEquALL | Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang: “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan”, ang Department of Agriculture RFO 12 sa pangunguna ni OIC – Regional Executive Director, John B. Pascual, DVM kasama ang mga empleyado ng DA 12 ay nagtipon upang makiisa sa pagsisimula ng buong buwang selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan ngayong araw, March 04, 2024.
Bilang bahagi ng mensahe ni RED Pascual, nagbigay siya ng karangalan at papuri sa mga kababaihan ng kasalukuyang panahon sa kahusayan na kanilang ipinapakita sa iba’t ibang larangan.
Ang nasabing selebrasyon ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidadis gaya ng Zumba at Trivia Games.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR) upang ipahayag at ipaliwanag sa mas komprehensibong presentatsyon ang bawat parte at karapatan ng bawat kababaihan.