𝑰𝑵 𝑷𝑯𝑶𝑻𝑶𝑺 | Ang Philippine Rural Development Project-Regional Project Coordination Office XII (PRDP-RPCO XII) ay nagsagawa ng seminar sa Isulan, Sultan Kudarat, noong nakaraang Marso 6-8, 2024, kung saan binigyang importansiya ang Citizen’s Monitoring Training at mga paraan ng Operations & Maintenance kasama ang mga kinatawan mula sa Barangay Salumping at Barangay Legodon ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Layunin ng seminar na mapabuti ang kalidad ng mga kasalukuyang proyekto at itaguyod ang “sense of ownership” ng mga indibidwal sa bawat komunidad. Binigyang-diin din ang patuloy na pag-implement ng Citizen’s Monitoring Team sa mga lugar ng proyekto. Ang mga practical sessions naman ay sumaklaw sa Operation & Maintenance ng Post Harvest Facilities (PHF) at ang paggamit ang PRDP Geotagging Camera Application para sa dokumentasyon ng mga proyekto.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga kinatawan ng bawat barangay at nangako na gagamitin ang kanilang bagong kaalaman para maitulong at mapabuti ang implementasyon ng mga kasalukuyan at darating pang mga proyekto.

#DAXIIPRDP

#RuralDevelopment

#Mindanao

#WorldBank

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *