#BuwanNgKababaihan | Nagsama-sama ang mga natatanging kababaihan ng rehiyon dose sa isang pagtitipon kung saan ibinahagi nila ang kanilang kaalaman at expertise sa pagsasaka. Ito ay ginanap, Marso 18,2024 sa Korondal City, South Cotabato.
Dinaluhan ng mahigit 150 kababaihan mula sa iba’t-ibang probinsya ang ginanap na Knowledge Management of Best Practices for Rural Women upang matuto ng mga pamamaraan at upang maipamahagi ang kanilang kwentong tagumpay sa larangan ng pagsasaka at pangingisda.
Nilalayon ng aktibidad na magbigay ng plataporma para sa mga ahensya na magbahagi ng impormasyon tungkol sa mga programa, inisyatiba, at mga bagay na nagbibigay-daan sa mga kababaihan sa kanayunan na maabot ang malawak na hanay ng mga pagkakataon at support services. Dagdag pa rito, magbibigay ito ng pagkakataon sa mga awardees na ibahagi ang kanilang mga inspiradong kwento, hamon, at paglalakbay tungo sa mas malawak na partisipasyon ng mga kababaihan sa pagsasaka.
Sa makabagong panahon, ang mga kababaihan ay unti-unti nang nakikilala sa anumang larangan na siyang nagpapatunay ng kani-kanilang kakayahan.