#BuwanNgKababaihan | Ang Department of Agriculture RFO 12 sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) ay nagsagawa ng Capability Development Training on Safe Spaces Act bilang isa sa mga mahahalagang karapatan ng kababaihan o anumang kasarian. Ito ay bilang parte ng buong buwang selebrasyon ng National Women’s Month.

Ang pangunahing punto ng nasabing training ay ang pagtalakay tungkol sa Republic Act No. 11313: Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) kung saan

sinasaklaw ng batas ang lahat ng anyo ng gender-based sexual harassment (GBSH) na ginawa sa mga pampublikong espasyo, institusyong pang-edukasyon o pagsasanay, lugar ng trabaho, gayundin sa online space. Layunin din ng training na ito na mapalawak ang kaalaman ng bawat kasarian, babae man o lalaki na maging mapanuri sa bawat karapatan laban sa ano mang anyo ng GBSH.

Ang nasabing training ay dinaluhan ng mga tauhan ng nasabing ahensya ngayong araw, Marso 19,2023 sa Koronadal City, South Cotabato.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *