Opisyal nang nai-turn over ng DA sa Mangilala Irrigation Association (MIA) ang isang Small Water Impounding Project (SWIP) na nagkakahalaga ng Php 27,782, 320.49. Ang seremonya ay ginanap sa Brgy. Mangilala, Tantangan, South Cotabato ngayong araw, Marso 22, 2024.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Rice Program at ang implementing unit nito ang Regional Agriculture Engineering Division (RAED) sa pamumuno ni Dr. Jocelyn F. Torres. Dumalo rin si Tantangan Mayor Timee Joy Torres-Gonzales kasama ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan nito at ang mga magsasakang miyembro ng MIA.
Ang SWIP ay isang istruktura na itinayo sa isang lambak upang pigilan ang tubig at bubuo ng isang reservoir na mag iimbak ng tubig-ulan at magsisilbing lagusan sa panahon ng tag-ulan at higit sa lahat malaking tulong ito sa agarang paggamit ng tubig sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng nabanggit na proyekto, magkakaroon na ng sapat na mapagkukunan ng tubig ang mga magsasaka sa nasabing barangay at karatig nito para sa kanilang mga hakbang at aktibidad sa pagsasaka.