#MondayConvo | Pinangunahan ni Department of Agriculture RFO XII OIC-Regional Executive Director John B. Pascual sampu ng mga kawani nito ang pagsasagawa ng weekly convocation ngayong araw, Marso 25, 2024.

Sa mensahe ni RED Pascual, nabanggit niya ang pagbibigay-tugon sa pagpapalakas ng pwersa ng Regional Agricultural Engineering Division at Agricultural Program Coordinating Office upang matutukan ang implementasyon ng iba’t-ibang programa at proyekto ng ahensya lalo na ang farm to market road projects ng rehiyon.

Dagdag pa niya, posibleng maaprubahan ang mas mataas na pondong ibababa sa rehiyon sa susunod na taon na nangangahulugang dobleng pagsisikap ang gagawuin upang maihatid ang serbisyo at interbensyon sa mga magsasaka ng rehiyon.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *