Magandang balita!

Halos doble na ang special discount ng senior citizens at PWDs para sa basic and prime commodities!

Kasama ang DTI at DOE, pinirmahan ko ang joint administrative order para taasan ang weekly discount ng ating senior citizens at PWDs. Magiging P125 na ang kanilang weekly discount mula sa dating P65 kada linggo.

Malaki rin ang maitutulong nito sa ating agriculture sector dahil maaari itong gamitin sa farm inputs tulad ng fertilizers, herbicides, pesticides, poultry, fishery and livestock feeds.

Bahagi ito ng adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng abot-kayang pagkain at nutrisyon ang mga Pilipino. Asahan pa natin ang paglaki ng benepisyong ito sa patuloy na modernisasyon ng sektor ng agrikultura!

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#BagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *