#OutreachProgram | Sa pamumuno ni Department of Agriculture RFO 12 – Regional Executive Director, John B. Pascual, DVM, nagsagawa ng Joint Operations Harmonization and Networking cum Barangay Promotion Outreach Program ang nasabing kagawaran sa Brgy. Tasiman, Lake Sebu, South Cotabato ngayong araw, Marso 27,2024. Bago paman matapos ang buwan, sinikap ng mga tauhan ng DA na maihatid ang mga serbisyo at interbensyon sa pamamagitan ng aktibidad na ito.
Mahigit Php 5 Million na halaga ng iba’t ibang interbensyong pang-agrikultura ang ibinahagi ng ahensya sa mahigit limang-daang magsasaka ng barangay. Nakapaloob dito ang mahigit PhP 2 Million na halaga ang pinangakong subsidiya ng binhi at abono mula sa Corn Program, 50 heads free range chicken mula naman sa Livestock Program, at mahigit PhP 3 Million na halaga ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) ang ipamimigay ng Rice Program. Maliban pa dito, namigay rin ng mahigit kumulang 500 packs ng bigas ang nasabing ahensya.
Namahagi din ng mahigit 200 na pares ng tsinelas ang Knights of Columbus at Philippine National Police (PNP) at 200 coconut seedlings galing sa Philippine Coconut Authority (PCA). Nag-alok rin ng libreng gupit para sa lahat ang PNP at AFP.
Layunin ng adbokasiyang ito ang mapaabot sa mga magsasakang Pilipino ang mga serbisyo at interbensyon ng mga ahensya ng gobyerno lalung-lalo na sa mga liblib na lugar saan mang sulok ng rehiyon.