#DA12PUBLICADVISORY | Babala ng DA-RFO 12

Pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa mga taong ginagamit ang pangalan ni Department of Agriculture-Regional Field Office XII OIC-Regional Executive Director, John B. Pascual, DVM, para sa kanilang mga ilegal na mga transaksyon sa mga lokal na pamahalaan, asosasyon, at kooperatiba ng mga magsasaka ng rehiyon.

Tanging mga opisyal at empleyado ng DA-RFO 12 lamang ang awtorisadong magproseso ng mga dokumento at pamamalakad nito.

Ipagbigay-alam agad, i-report o isumbong sa aming opisina sa Prime Regional Government Center, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City o sa aming official Facebook page na Agri Tayo SOCCSKSARGEN ang mga kahina-hinalang mga tao o gawain nito upang mabigyang aksyon.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *