#NRAM2024 | Bilang pagdiriwang ng National Rice Awareness Month, may challenge ang Be RICEponsible para sa inyo, mga ka-Agri!
Paano sumali sa #HalfCupFullHeart Challenge?
Magorder ng half-cup rice mula sa kahit anong food establishment o sa bahay (magdagdag na lang kung kulang).
Litratuhan ang iyong pagkain na may half-rice.
I-post ang iyong content publicly sa Facebook gamit ang #HalfCupFullHeart, #beRICEponsible, at #nationalriceawarenessmonth.
Hikayating sumali rin ang tatlo o higit pa sa iyong FB friends sa pamamagitan ng pag-tag sa kanila.
I-tag ang food establishment na binilhan ng half-cup rice.
Mula November 1-28, 2024, ipadala ang proof ng iyong post sa Be RICEponsible Facebook page, kasama ang iyong pangalan, address, at contact number.
TANDAAN!
Apat na maswerteng winner ang pipiliin bawat linggo mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR upang manalo ng tig-P1,000. Ang Grand Draw ay gaganapin sa Nobyembre 29, 2024 na kung saan isang pangunahing winner ang makakatanggap ng P20,000, at ang food establishment na nagbenta ng half-cup rice ay mananalo ng P10,000!
Ano pang hinihintay niyo? Sumali na, mga ka-Agri!