120,000 na indigenous farmers at fisherfolk sa anim na rehiyon sa Mindanao ang inaasahang makikinabang sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP) ng Department of Agriculture (DA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Layunin ng MIADP, na nagkakahalagang PHP 6.6 na bilyon, na tugunan ang matinding kahirapan sa mga komunidad ng indigenous people (IP) sa lalawigan sa pamamagitan ng pagpapataas ng agricultural productivity at dagdag akses sa pamilihan at serbisyo.

BASAHIN: https://www.pna.gov.ph/articles/1205320