Sa ikalawang araw ng 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit, dumalo ako sa bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio. Parte ng naging talakayan ang request ng Pilipinas na i-review ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA), babaan ang taripa para sa Philippine bananas sa Japan, at bigyan ng Hass avocados access ang Pilipinas sa Japanese market.

Lumahok din ako sa Creative and Sustainable Economy through Innovation event kung saan naibida ang mga produkto mula sa Pilipinas, gaya ng Philippine chocolates na may Japanese flavors at bagong klase ng fabrics na gawa sa processed banana waste materials.

Nagagalak naman akong makibahagi sa ASEAN-Japan Summit Gala Dinner na inihanda ni Prime Minister Kishida.

Inaasahan ko pong magiging susi ang mga ito upang mapalaganap pa ang mga produktong Pinoy at mas mapalakas pa ang ating partnership sa Japan.

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *