ALIN DITO ang all-time mong favorite na makinarya sa pagtatanim ng palay? ๐Ÿ‘Œ๐Ÿพ๐Ÿ˜๐Ÿšœ

๐ŸšœDrum seeder

โœ” gamit sa pagsasabog-tanim na hinihila lamang upang magbudbod ng binhi na nakalinya o row seeding

โœ” maaaring takpan ang mga hanay ng butas sa drums nito ayon sa seeding rate na 40 o 60 kilong binhi para sa isang ektarya

โœ”kayang magkarga ng 2 kilo kada drum o 10 kilo kada karga ng binhi

โœ” kayang tamnan ang 1-1.5 ektarya kada araw

๐ŸšœPrecision seeder

โœ” eksakto ang distansya at bilang ng binhi na nailalagay bawat tundos

โœ” may walong hoppers na kayang maglaman ng 30-40 kilong binhi

โœ” nakasakay lamang ang operator at kayang tamnan ang 2-3 ektarya kada araw

โœ” tipid na sa labor dahil kaya nitong gumawa ng mga kanaleta upang mabilis ang pagpapatuyo ng palayan

โœ”iwas din sa atake ng mga ibon at maanod ng tubig ulan dahil natatakpan agad ang ibinudbod na binhi

๐ŸšœWalk-behind mechanical transplanter

โœ” agwat ng tanim ay 30 sentimetro bawat tudling at 15-17 sentimetro naman kada tundos

โœ” ang mga punla o โ€œseedling matโ€ ay tinatanim gamit ang seedling trays o ang dapog medthod

โœ” mas mabilis ang pangangalaga ng punla dahil maaari nang itanim sa loob ng 14-18 araw o kung may taas na 12-14 sentimetro

โœ” sapat na ang 30 โ€“ 40 kilong binhi sa isang ektarya

โœ” kayang tamnan ang 1-1.5 ektarya kada araw

๐ŸšœRiding-type transplanter

โœ” magaan ang pagtatanim dahil nakaupo lamang ang operator na kayang matamnan ang 1.5-2.0 ektarya sa isang araw

โœ” ang agwat ng tanim ay 30 sentimetro bawat tudling at 15-17 sentimetro naman kada tundos

โœ” ang mga punla o โ€œseedling matโ€ ay tinatanim gamit ang seedling trays o ang dapog method

โœ” maaari nang itanim ang punla sa loob ng 14-18 araw na may taas na 12-14 sentimetro

โœ” 30 โ€“ 40 kilong binhi sa isang ektarya

(y) I-like at i-follow ang DA-PhilRice Facebook page para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa pagpapalayan.

#BetterRiceCommunities#machine#cropestablishment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *