#NRAM2024 | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month, nagsagawa ang Department of Agriculture (DA) ng Masaganang Agrikultura, Tungo sa Bagong Pilipinas Information Caravan 2024 sa Koronadal City, South Cotabato noong Nobyembre 21, 2024.
Kabilang sa nasabing aktibidad ang mga presentasyon nina DA-Regional Field Office XII Regional Technical Director Zaldy Boloron tungkol sa Price Protection Program para sa Rice at Corn, at ni RSBSA Report Officer Glaize Dianne Mejia ukol sa mga benepisyo ng pagpaparehistro sa RSBSA.
Tampok din sa Information Caravan ang paraffle na nagbigay ng mga materyales sa pagsasaka, tulad ng insecticides, at mga Information Kiosks na nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga pangunahing programa ng DA tulad ng F2C2, RSBSA, ACPC at marami pang iba.
Naging interaktibong bahagi rin ng kaganapan ang pagsayaw ng Be RICEponsible dance at ang panunumpa ng ABKD Pledge, na nagpaalala sa mga kalahok at manonood ng livestream tungkol sa responsableng pagkonsumo ng bigas.
Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na magtanong at matutunan ang mga bagong teknolohiya sa agrikultura, na may layuning mapabuti ang produksyon ng bigas at mais at magtaguyod ng mas matibay na komunidad ng mga magsasaka.
Ian Carbonell
Dyey Daquiado
#DAInfoCaravan24#BeRICEponsible#BagongPilipinas#MasaganangAgrikultura#MaunladNaEkonomiya#AgriTayoSoccsksargen