#RiceTips: NANUNUYOT ang puno o dahon ng palay? Naku, BPH β€˜yan! 😒🌿🌾

πŸ“Œ Sinisipsip ng Brown planthopper (BPH) ang katas ng puno at dahon ng palay na sanhi ng pagkatuyo. Nagdadala rin ito ng sakit na virus tulad ng grassy stunt at rugged stunt.

βš” Para labanan:
βœ… Magpatubig gamit ang Alternate Wetting and Drying (AWD) technology at split application ng pataba habang nagsusuwi ang palay. Sa AWD kailangan lang magpatubig kapag naubos na ang tubig sa observation well.

βœ… Hindi kailangan na mag-isprey ng lason sa unang 30-40 araw ng tanim upang dumami ang mga kaibigang kulisap na kumakain sa mga BPH.
βœ… Kapag umatake sa panahon ng pagbubuntis hanggang paghinog (25 pataas na BPH kada tundos), panatilihin ang malalim na tubig.

#PhilRice