Bumisita si OIC Regional Executive Director John B . Pascual, DVM sa mga Magsasaka sa Bugsong, Senator Ninoy Aquino noong Martes (Pebrero 27, 2024) upang malaman ang sitwasyon ng mga magsasaka sa naturang lugar. Iminungkahi rin ng Director sa mga magsasaka na magpagrehistro ng RSBSA sa kanilang Bayan dahil maraming Proyekto at Programa ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng ating Kalihim Francisco P. Tiu Laurel Jr. at ng ating pinakamamahal na Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na isinusulong ang Masaganang Agrikultura, at Maunlad na Ekonomiya sa ating bansa.

Malaki ang pasasalamat ng mga magsasaka sa naturang lugar dahil sa unang pagkakataon ay bumisita si OIC Regional Executive Director Pascual sa kanilang lugat at mapakinggan ang kanilang gustong mangyari sa kanilang lugar.

📸 Corpuz Cariaso Earl

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *