CLIMATE INFO SERVICE: Kaagapay ng Kababaihan sa Bukid, Bahay, at Pamayanan ๐ŸŒพ๐Ÿ’œ

Ka-AMIA, alam mo bang hindi lang sa pagsasaka mahalaga ang Climate Information Service o CIS? Base sa isang pag-aaral na isinagawa ng Rice Watch Action Network, Inc., isa sa mga partners ng AMIA Program, malaki rin ang papel nito sa pang-araw-araw na gawain ng mga kababaihan at sa pakikilahok nila sa komunidad!

๐Ÿšœ SA PAGSASAKA: Gumagabay ang CIS sa pagpaplano at pagdedesisyonโ€”mula sa pagtatanim hanggang pag-aani. Nakakatulong ito sa pagtitipid ng gastos, pag-optimize ng farm inputs, at pagprotekta sa pamilya laban sa matinding lagay ng panahon. ๐ŸŒพ

๐Ÿก SA GAWAING BAHAY: Alam mo bang pati sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglalaba at pagluluto gamit ang kahoy, may ambag ang climate information? Mas nagiging episyente ang trabaho, kaya mas natitipid ang oras at resources! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿงบ

๐Ÿ‘ฅ SA PAKIKILAHOK SA KOMUNIDAD: Mahalaga rin ang CIS sa pagpaplano ng kababaihan kung kailan sila makakadalo sa pulong o aktibidad sa kanilang asosasyonโ€”para laging ligtas at produktibo! ๐Ÿ˜๏ธ๐Ÿ“…

Sa tulong ng CIS, mas napapalakas ang kakayahan ng kababaihan sa agrikultura na harapin ang hamon ng klima habang mahusay nilang ginagampanan ang kanilang triple roles sa lipunanโ€”bilang mga magsasaka, tagapangalaga ng tahanan, at aktibong bahagi ng komunidad. ๐Ÿ’ช๐ŸŒ

#2025NationalWomensMonth#AMIAmazingwomen#AMIA#AMIACREATEs

Department of Agriculture – Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *