Isa po ang Pilipinas sa most preferred supplier ng mangoes sa Japanese market, pero ang huling export po natin sa Japan ay 2019 pa. Kaya naman ikinatuwa ko noong na-aprubahan ang entry ng Davao mangoes sa Japan para sa Commemorative Summit for the 50th Year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation!
Sa pagsusumikap na buhayin ang Philippine mango exports sa Japan, inihandog namin, kasama si Pangulong Bongbong Marcos, ang mga fresh mango bilang regalo sa mga Japanese officials sa summit. Sana po ay mabigyan nito ng tiwala ang ating mga mango exporters at maibalik muli natin ang ating market share sa Japan.