#CPEPsaSNA | Ang Department of Agriculture-Regional Field Office XII sa pamamagitan ng Corn Program ay naglunsad ng pamimigay ng Hybrid Corn Seeds at Inorganic Fertilizers bilang bahagi ng Corn Production Enhancement Program (CPEP) FY 2024 noong Mayo 2-3, 2024 sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ang CPEP ay may layunin na palakasin ang produksyon ng mais sa rehiyon, kung kaya’t higit sa 1,221 sako ng hybrid corn seeds na may kasamang pataba ang ipinamahagi sa mga local na mga magsasaka. Sa pamamagitan nito ay nabigyan sila ng mga mahahalagang kagamitan upang mapalakas ang kanilang mga ani.

Ang bawat packaging ay naglalaman ng siyam na kilo ng GM yellow corn seeds at sinamahan pa ng isang sako ng inorganikong pataba (Urea).

Ayon sa Department of Agriculture, ang CPEP initiative ay may layon na paunlakan ang pag-angat ng ani ng mais ng 3 porsyento nang kung sa gayon ay maitataas ang kita ng mga magsasaka taun-taon sa rehiyon.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *