
#PRDPNews | Inilunsad ng DA-PRDP Regional Project Coordination Office (RPCO) XII ang 4-day training sa General Santos City para palakasin ang agrikultura sa rehiyon. Layunin ng aktibidad na ituro ang mga best practices at Social and Environmental Safeguards (SES) na naging susi sa tagumpay ng proyekto.
Mula Hulyo 22 hanggang 25, 2025, magsasagawa ng hands-on training ang RPCO XII para sa mga LGU partners mula sa General Santos City, Banga, Polomolok, Tupi, Tantangan, Antipas, Kidapawan City, Matalam, Mlang, Tacurong City, at Maasim.
Ang training ay magfo-focus sa “PRDP way” ng pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong magsisilibing modelo sa 2026 sa ilalim ng Agricultural Machinery, Equipment, Facilities, and Infrastructure Program (AMEFIP). (Lynziejile Lapina, Ian Frederick Carbonell)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#DAPRDP#ruraldevelopment#PRDPSoccsksargen#RPCOXII#WorldBank#prdpscaleup#AgriTayoSoccsksargen