
Sinabi ni Director Abdula na hindi kakayaning mag-isa ng ahensiya ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura kung walang pagtutulungan mula sa mga lokal na pamahalaan at private sectors.
“Kailangang mag-strategize tayo, kasama ang ating mga partner-LGUs at mga merchants, ng mga katanggap-tanggap na mga proseso para sa transparency at maiwasan ang korapsyon,” aniya.
Magkakaroon din ng kahintulad na pagpupulong sa susunod na linggo para sa probinsya ng South Cotabato at Sarangani.
#AgriTayoSoccsksargen
#MasaganangAni
#MaunladNaAgrikultura



