Ibinalik na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa ilalim ng Department of Agriculture. DA na po ang magsu-supervise sa mga polisiya at programa ng PCIC.
Ang PCIC ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na nagbibigay ng insurance protection sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang agricultural stakeholders. Malaki ang tulong nila sa oras ng mga problema sa agrikultura gaya ng natural disasters, plant diseases, at pest infestations.
Papalakasin pa namin ang ugnayan ng PCIC sa mga magsasaka upang mapaunlad pa ang ating agricultural insurance programs. Inaasahan namin na sa mga benepisyong maibibigay nito, maraming magsasaka ang mahihikayat na ipasiguro sa PCIC ang kanilang mga pananim, gamit, produkto, at iba pa.