
Sa pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) noong Huwebes, ibinahagi ng Pangulo ang kahalagahan ng pag-aral sa paggamit ng rice stations at modules para matiyak ang sapat na suplay ng bigas.
Ang nasabing plano ay naaayon sa Food Security Infrastructure Modernization Plan ng Department of Agriculture. Sa ilalim ng proyekto, isang mother station ang itatayo para sa bawat 10 istasyon na may 30-kilometrong radius ang layo mula sa pangunahing istasyon.