
Isa na namang hakbang tungo sa pagwakas ng gutom sa bansa!
Namahagi ang pamahalaan ng mga makinaryang pansakahan at Interventions Monitoring Card (IMC) sa mga magsasaka sa Sarangani bilang bahagi ng paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid (APP) Program na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasama sa APP Program ang livelihood support loan na hanggang P60,000, at P8,000 na buwanang tulong sa loob ng apat na buwan upang matulungan ang mga magsasaka habang hinihintay ang panahon ng anihan.