
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Isinagawa ang isang press briefing sa pangunguna ni DA-RFO XII Regional Executive Director Roberto T. Perales, kasama ang mga miyembro ng South Cotabato Press Corps, ngayong ika-7 ng Agosto 2025 sa Koronadal City, South Cotabato.
Layon ng pagtitipong ito na linawin ang mga umiiral na polisiya ng ahensya at higit pang palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan ng DA sa lokal na midya bilang katuwang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa sektor ng agrikultura. (Dann French
Jan Paul Daquiado)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen