KABAWASAN sa ani, tyak kung 30% ng mga palay ay may deadheart sa panahon ng pagsusuwi!

Agapan ang pagdami ng aksip o stem borer:
βœ… Hindi kailangan mag-spray ng lason kung wala pang 30-40 araw ang pananim.
βœ… Dahil bata pa ang palay, makaka-recover pa ito mula sa pagkasira na dulot ng pesteng insekto. Dumadami din ang mga kaibigang kulisap sa unang 30 araw ng tanim.
πŸ”Ž I-monitor ang pagdami ng mga paruparo ng stem borer:
🌾 Kolektahin ang mga itlog, ilagay sa container, at hintaying mapisa.
🌾 Kung ang lumabas ay mga putakti, hindi na kailangang mag-spray ng lason. Kung maraming uod ang mapisa, mag-spray sa loob ng 2 araw upang tamaan ang mga uod na nasa labas ng puno.

❌❌❌Hindi na makokontrol ng contact insecticides kung nakapasok na sa puno ang uod ng palay.
βœ”βœ”βœ”Mas epektibo pa rin pangontrol ng peste ang mga kaibigang kulisap.

#PhilRice #QualityRiceQualityLife #PestManagement