Kasama si Interim Director General Ajay Kohli ng International Rice Research Institute (IRRI), kami ay pormal na lumagda sa isang Memorandum of Understanding na naglalayong patuloy na pagtibayin at palawakin ang ating collaborative efforts para sa pagpapaunlad ng sektor ng palay sa Pilipinas.

Ang nasabing MOU ay may pangunahing layunin na pag-ibayuhin ang kooperasyon sa pagitan ng DA at ng IRRI. Ito ay upang matiyak ang food security, global competitiveness ng ating rice industry, at ang pagpapalakas sa kapasidad ng ating mga magsasaka sa gitna ng mga hamon ng climate change.

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *