#TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Region XII, sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng North Cotabato, ang pagsasanay sa Ligtas at Tamang Paggamit, Pag-iimbak, at Paghawak ng Abono at Pestisidyong Pang-Agrikultura noong Hulyo 21, 2025 sa OPAg Agri Center, Amas, Kidapawan City.

Pinangunahan ito ni Regional Officer Maricel P. Tabigue, kasama ang mga Provincial Officers na sina Kimberly Gem A. Apostol, Cherubin M. Alonzo, Joey B. Pascua at Vonbeth S. Seguiza.

Lumahok ang 40 IPM coordinators at local farmer technicians mula sa iba’t ibang bayan ng North Cotabato.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman sa tamang paggamit ng agrochemicals, pagbibigay ng mga bagong impormasyon sa pamamahala ng pestisidyo, at mga alituntuning regulasyon.

Ayon kay G. Gabriel Nasiloan ng OPAg, hangad ng pagsasanay na ito na mas mapababa ang antas ng residue sa ani upang makamit ang ligtas at dekalidad na produktong agrikultura.

#FPA#fpainaction

#BagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *