#WeatherForecast | Localized Weather Forecast for Region 12 (SOCCSKSARGEN)

Synopsis:

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting southern Mindanao. Easterlies affecting the rest of

Mindanao.

Pagtaya:

Ang mga probinsya ng South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat – kalat na pag – ulan, pagkidlat at pagkulog dahil sa ITCZ.

Posible itong magdulot ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas na pag – ulan. Ang nalalabing bahagi ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo – pulong pag – ulan, pagkidlat at pagkulog dahil sa Easterlies.

Posible itong magdulot ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa sa tuwing may panahong severe thunderstorms. Mahina hanggang sa katamtaman ang iiral na ihip ng hangin na nagmumula sa silangan hanggang sa timog silangang direksyun at ang alon sa mga baybaying dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman (mula sa taas ng 0.6 hanggang 1.8 metro).

Source:

Buayan – Malungon River Basin Flood Forecasting and Warning Center (BMRBFFWC)

DOST – PAGASA General Santos Complex Station

https://www.facebook.com/pagasa.bmrbffwc

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *