Maging alerto!
Kung may hindi pangkaraniwan o hindi normal na obserbasyon sa inyong mga alagang baboy na maaaring magpahiwatig ng sintomas ng ASF, o iba pang sakit ng baboy tulad ng:
lagnat
pamumula o kulay berde sa balat
pagdurugo
aborsyon sa inahin
hindi pagkain
pamamayat
ubo at sipon
hindi makatayo o makalakad
ay ipagbigay alam agad sa inyong lokal na Veterinary o Agriculture Office.
Paglaganap ng ASF ay pigilin, AGARANG PAG-UULAT ay ugaliin!