#RFFA | Mahigit tatlong libong magsasaka ng palay ang makakatanggap ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) cash card mula Marso 25-26, 2024 sa bayan ng Norala, South Cotabato.
Ang Information Monitoring Cards (IMCs) ay magsisilbing ATM cards ng mga benepisyaryo. Sa pamamagitan nito, maari nang makapag-withdraw ang mga magsasaka ng kanilang PhP5,000 cash assistance mula sa RFFA sa alinmang Bancnet ATM kiosk o saanmang USSC branches sa buong bansa.
Ang mga benepisyaryo ng nasabing programa ay ang mga magsasaka ng palay na nagmamay-ari ng dalawang ektarya o pababa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).