Mas malawak na patubig, PHP 31 bilyong pondo para sa National Rice Program ngayong 2024, at suporta at pagsasanay ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapataas pa ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka.

Sa pag-aani ng palay at pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at kooperatiba sa Candaba, Pampanga, ibinahagi ni PBBM ang 1.5% na pagtaas ng produksyon ng bigas sa 2023. Dulot ito ng tuloy-tuloy na aksyon gaya ng paglikha ng binhing umaayon sa pabago-bagong klima, pagtayo ng imprastraktura, at pagbigay ng maagang babala sa mga magsasaka’t mangingisda sa panahon ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *