July 30 to August 1, 2024 / / Matagumpay na Household Multi-Purpose Cooperative (HMPC) Rehabilitation Plan Workshop!

Ang HMPC, sa tulong ng LGU Antipas team na pinangunahan ni Municipal Administrator Jimson Dana Monteser, kasama ang MCDO, MPDO at MAO, ay nagsagawa ng 3-day workshop para patatagin ang kanilang operasyon. Sinuportahan ito ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) at Philippine Rural Development Project (PRDP), kasama ang mga stakeholders tulad ng Kenemer Food International, Land Bank of the Philippines, OPAG Cotabato, DTI, DAR, IRDF, at MAKGAI.

Ang workshop na ito ay naglalayong masigurong magpapatuloy ang pag-unlad ng HMPC at mga miyembro nito. Pinapahalagahan namin ang buong suporta ni Mayor Cris Cadungon , ni Governor Emmylou “Lala” Talińo-Mendoza, at ng kanyang Advisory Committee na pinangunahan ni Ma’am Amalia Datukan. Ang kanilang dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa ating lahat.

Magkakasama tayong tatahak sa mas maliwanag na bukas para sa ating cooperative at komunidad!

#SuportaSaCooperative

#MayorCrisCadungon

#PadayonAngProgreso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *