𝗟𝗨𝗡𝗧𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗭𝗢𝗡𝗘 “𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗞𝗜𝗗𝗔𝗣𝗔𝗪𝗔𝗡” 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 | BINUKSAN na sa publiko ang “Merkado Kidapawan” tampok ang mga local vegetable and fruit growers mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Kidapawan. Mula sa DBP hanggang BPI (National Highway) ay makikita ang mga stalls na puno ng sariwang gulay, prutas, isda, at maging mga halaman. Mula naman sa kahabaan ng Brgy. Avenue (City Hall – City High Walk) ay makikita ang mga mura ngunit masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin, goto, nilagang mais, locally-produced coffee, honey, chips, at maging bigas sa murang halaga lamang na P25/kilo (4 kilos per customer). Sa kanyang mensahe, sinabi ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na magbibigay-daan ang “Merkado Kidapaweno” sa dagdag na kita o kabuhayan para sa mga maliliit na negosyante at makatutulong sa mga mamimili na makatipid dahil sa mas murang presyo. Si Mayor Evangelista ang nanguna sa ribbon-cutting kasama ang mga konsehal ng lungsod, mga department managers, at iba pa. Sa bisa ng Executive Order 018 na nilagdaan ni Mayor Evangelista nitong March 13, 2023 ay itinatag ang Luntian Agri-fair Zone at isasagawa naman bawat Sabado mula 6AM-5PM. (CIO)

#luntiankidapawan