#EarthquakeDrill | Nagsagawa ng earthquake drill ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon Dose ngayong araw, Marso 25, 2024, eksaktong alas nuwebe ng umaga.
Bahagi ito ng simulation exercise ng 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pinangunahan ng National Disaster Risk Management Office. Ang drill ay isinagawa upang isulong ang pagiging alerto at kahandaan hinggil sa mga senaryo ng lindol.
Agad nagsagawa ng “Drop, Cover and Hold” ang mga empleyado upang protektahan ang kanilang sarili bilang paunang aksyon kung sakaling magkakaroon ng paglindol.