Nagtapos ang pagdiriwang ng Department of Agriculture 12 ng National Women’s Month ngayong buwan sa isang Culmination Activity ngayong araw, Marso 26, 2024 sa Brgy. Tinago, Norala, South Cotabato kung saan nagtipon tipon ang 150 kababaihan ng nasabing barangay.

Namigay ang DA 12 – Gender and Development (GAD) ng mga vegetable seeds at fruit tree seedlings sa mga kababaihan bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng nasabing selebrasyon.

Kabilang din sa aktibidad na ito ang presentasyon ng RA 9262 (Anti Violence Against Women and their Children Act of 2004) at RA 8353 (The Anti Rape Law of 1997) na iprenesenta ni PCpl Ladylee C. Bugna. Ito’y nagbigay-daan upang mas maunawaan pa ng mga kababaihan ang kani-kanilang karapatan laban sa anumang karahasan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Norala na pinamumunuan ni Municipal Mayor Clemente B. Fedoc at mga tauhan ng Norala Police Station.

“Malaki ang aming pasasalamat sa DA-12 at napili ang aming barangay kung saan isinagawa ang Women’s Month Culmination Activity. Malaki ang saya na inyong hatid sa bawat isa sa amin,” ani ni Elisa B. Cagape, women’s organization leader.

Natapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga palaro at pamimigay ng libreng gatas at pagkain sa mga partisipante.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *