Naitayo na ang kauna-unahang palm oil refinery sa SOCCSKARGEN region!
Kasama ko si PCA Admin Dr. Dexter Buted na dumalo sa inauguration ng P600-million palm oil refinery ng Garcia Refinery Corp. (GARECO). Patunay ito na kaisa ng pamahalaan ang pribadong sektor upang maging innovative at self-sufficient ang industriya ng palm oil!
High-quality palm oil derivatives ang ipo-produce ng refinery na ito gaya ng palm olein, palm stearin, at margarine, kung saan 63 na magsasaka ang kanilang ka-partner upang mangasiwa sa 3,065 hectares ng palm oil trees. Malaki din ang potensyal na supply ng palm oil nuts dahil mayroong 14,000 hectares ng palm oil trees ang Sultan Kudarat.
Napakaraming oportunidad ang mabubuksan ng refinery na ito, hindi lang para sa ekonomiya ng SOCCSKARGEN, kundi para na din sa palm oil industry ng buong bansa.
Inaasahan kong magsisimula ito ng paglago ng ating industriya ng palm oil. Patuloy po ang pakikipagtulungan ng DA at ng Philippine Coconut Authority sa pribadong sektor upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng palm oil industry.