NAKAKALOKANG ka-look alike ng palay? Huwag magpalinlang, weedy rice ‘yan! 😲🥲💔
📬Tanong ni ka-Palay Arlene ng North Cotabato: Paano mapupuksa o mawawala ang salot na weather weather o ang weedy rice?
💡Ang weedy rice ay:
⚠️ kaparehas ang itsura ng palay ngunit mas matangkad, mas mabilis mamulaklak, at madaling malugas
⚠️ madali itong malaglag sa lupa at muling tumubo sa susunod na taniman 😭💔
⚠️ ang mga binhi ay mataas ang kakayahang tumubo kahit pa maibaon sa putik
⚠️ nagdudulot din ng pagbawas ng kalidad ng ani at bigas dahil halo at iba ang kulay ng mga bigas
💡Tips:
✅ Gumamit lagi ng dekalidad na binhi mula sa mga accredited seed grower.
✅ Kung may weedy rice sa nakaraang taniman ay isagawa ang stale seedbed.
✅ Patubuin muna ang mga nalaglag na mga buto at spreyhan ng pandamo bago araruhin ang lupa.
✅ Hayaang munang tiwangwang para muling tumubo ang mga naiwang buto kasama ng mga damo bago isagawa ang ikalawang pag-araro.
✅ Isagawa ang pagsusuyod at pagpapatag ng lupa na may tig-isang linggong pagitan.
✅ Huwag ding padaluyin ang tubig mula sa mga palayang tinubuan ng weedy rice para di dumami ang populasyon.
✅ Panatilihing may tubig ang pinitak upang hindi tumubo ang mga naiwan pang mga buto sa lupa.
✅ Sa panahon ng paglaki at pamumulaklak, tanggalin agad ang mga matatas na palay at ang mga naunang mga lumabas na uhay upang maiwasan na muling dumami ang mga semilya na malalaglag sa lupa.
✅ Linisin ang mga pilapil at paligid ng palayan, maging ang mga kagamitn gaya ng thresher o combine harvester na posibleng magkalat din ng semilya ng weedy rice.
#BetterPhilRiceBetterRiceCommunities