NAMULA ang palayan mo? Hindi yan nag-BLUSH ka-Palay! Bacterial leaf streak ‘yan!Β
Β Bakit dumarami ang sakit na ito? Β Laging makulimlim o maulan na panahon. Β Laging babad sa tubig na palayan. Β Mga palayang sobrang berde dahil sa sobrang pataba at mga baryting malalapad ang dahon tulad ng hybrid. Β May malakas na hangin na nagdudulot ng pagkagasgas ng mga dahon. Ang mga sugat sa dahon ang pinapasukan ng sakit.
Β TIPS: Β Gumamit lamang ng sapat na dami ng pataba. Β Iwasan ang laging babad sa tubig na palayan. Magsagawa ng alternate wet and dry irrigation (AWD). Β Huwag padaluyin ang tubig sa inyong palayan mula sa mga palayang may sakit. Β Iwasang lumusong sa palayan na may sakit upang hindi madala ang mga semilya ng sakit sa inyong sakahan. Β Kung mayroong matinding impeksyon ng sakit at walang paparating na ulan, maaaring mag spray ng copper-based fungicide sa mga palayang apektado upang maiwasan ang pagkalat nito.