
#PRDPNews | Ang DA–PRDP Regional Project Coordination Office (RPCO) XII ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang makabuluhang apat na araw na assessment na layuning suriin ang Operation and Maintenance (O&M) protocols ng mga natapos na PRDP farm-to-market road (FMR) subprojects at mga pasilidad tulad ng warehouses.
Kasabay nito, ginagamit din ng team ang mas advanced na Citizen’s Monitoring Tool (CMT) framework upang matiyak ang transparency at aktibong partisipasyon ng mga komunidad sa implementasyon ng mga proyekto.
Pinangunahan ang assessment ni RPCO XII Project Director Roberto T. Perales, kasama ang mga engineers at technical specialists ng DA-PRDP, katuwang ang mga kinatawan mula sa mga LGU ng Tampakan, South Cotabato, at Esperanza at Lambayong sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nagsimula ang aktibidad noong July 22 at tatagal hanggang July 25, 2025, sa General Santos City. (Lynzie Seastres, Ian Frederick Carbonell)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#DAPRDP#ruraldevelopment#PRDPSoccsksargen#RPCOXII#WorldBank#prdpscaleup#AgriTayoSoccsksargen