
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Ang DA-RFO XII sa pangunguna ng Organic Agriculture Program-Regional Pre-assesment Team (OAP-RPAT) ay matagumpay na isinagawa ang pinal na pagsusuri sa Tupi at Balindog Research and Experiment Stations noong Hulyo 29-31, 2025 na nagsisilbing mahalagang hakbang tungo sa kanilang third-party organic certification.
Sinuri sa ebalwasyon ang mga gawain sa produksyon at pamamahala, pati na rin ang sistema ng pagtatala at pagsubaybay sa produksyon ng organic na mga binhi tulad ng mga gulay at iba pa, upang matiyak ang pagsunod sa Philippine National Standards for Organic Agriculture. ( Nichole Paul Agapay)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#OKsaOA#OAPsaDose#TupiRES#BalindogRES#AgriTayoSoccsksargen