โ๐ฃ๐ณ๐ฎ.๐ญ๐ฏ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐ผ๐ณ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บโ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฎ. ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ ๐ ๐๐น๐๐ถ-๐ฝ๐๐ฟ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐. ๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐๐ฎ
Amas, Kidapawan City I Agosto 16, 2024 โ Kinikilala ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Taliรฑo-Mendoza ang mga kooperatiba na katuwang sa pangkalahatang pag-unlad ng lalawigan. Pinag-iibayo ng mga miyembro nito ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mapagtibay pa ang pamumuhay ng bawat-isa.
Sa idinaos na โInauguration and Turn-over of P72.13M worth of Rice Processing System to Sta. Catalina Multi-purpose Cooperativeโ ngayong Biyernes, sa Barangay Labuo, Pres. Roxas, inihayag ni Gov. Mendoza ang kanyang paghanga sa katatagan ng mga kooperatiba sa naturang bayan.
Kabilang dito ang Sta. Catalina Multi-purpose Cooperative na binubuo ng 229 “farmer membersโ na naging kwalipikadong benepisyaryo ng nabanggit na proyekto mula sa Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilmech) sa ilalim ng Rice Competitiveness and Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program.
Ang naturang proyekto na naisakatuparan sa pagsisikap nina President Ferdinand โBongbongโ R. Marcos. Jr., DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., at Field Office-12 Regional Executive Director Roberto T. Perales ay magbibigay ng kakayahan sa mga nabanggit na mga magsasaka upang mapamahalaan ang abot sa 507 ektaryang โrice fieldsโ na bahagi ng 2,007 ektaryang sakahan sa nasabing bayan.
Sa mensahe ng butihing gobernadora, lubos nitong pinasalamatan ang pamahalaang nasyonal sa biyayang natatanggap ng lalawigan kabilang na ang nasabing tulong sa Sta. Catalina MPC.
Salamantala, hinikayat din nito ang mga โpartner agenciesโ ng kapitolyo tulad ng DA, National Irrigation Administration (NIA), Department of Science and Technology (DOST), maging ang PHilMech at iba pang ahensya na magsagawa ng malalimang pag-aaral ukol sa โbiosecurityโ upang mabigyang proteksyon ang mga pananim at alagaing hayop sa anumang sakit at peste na mapanganib sa kanila tulad ng African Swine Fever (ASF) na patuloy na nilalabanan ng probinsya, pati na ang โleaf fall disease o pestalotiopsisโ na ikinabahala naman ng mga magsasaka ng rubber sa probinsya noong nagdaang taon.
Ibinahagi rin ng ina ng lalawigan ang inisyatibong โrice convergence approachโ na isinusulong ng kapitolyo katuwang ang DA at lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka ng palay, maiangat pa ang produksyon nito para matamo ang mas progresibong agrikultura at mapanatili ang pagiging isa sa mga โtop-rice producing provinceโ sa bansa.
Dumalo sa naturang aktibidad si DA Director Perales, PHilMech Director Dionisio G. Alvindia at Joel Dator, DA Agricultural Program Coordinating Officer Rey M. Domingo, DOST Provincial Director Michael Mayo, Vice-Governor Efren F. Piรฑol, Board Member Krista A. Piรฑol-Solis, Provincial Advisory Council (PAC) member Amalia J. Datukan, Acting Provincial Agriculturist Engr. Elena Ragonton, at Provincial Cooperative Development Office Shirly Pace.
Naroon rin ang mga kinatawan ng NFA, ATI,NIA, DepEd at lokal na pamahalaan, kasama ang representante ni Sen. Cynthia Villar na si Arthur Go at iba pang mga panauhin.//idcd-pgo-frigillana/photoby:WSamillano