
Paalala na hindi kailanman maniningil ng anumang fees o charges ang aming ACPC staff sa inyo para sa pagpo-proseso ng inyong application.
Tanging ang aming partner lending conduits (PLCs) ang maaaring maningil ng service charge na naaayon sa aprubadong guidelines ng programa.
Mag-ingat at siguruhing official LGU, DA at ACPC staff ang inyong kausap.
Hinihikayat namin na i-report sa amin agad sakaling mayroong lumapit sa inyo upang maningil ng kahit anong fees o charges.
Ipadala ang inyong concerns sa official ACPC Helpdesk: https://helpdesk.acpc.gov.ph/