Magandang araw!
Natutuwa akong ibahagi na pumirma ako ng memorandum of understanding kasama si Minister Nguyen Hong Dien ng Ministry of Industry and Trade ng Viet Nam, bilang bahagi ng State Visit ni Pres. Bongbong Marcos sa Hanoi noong January 29-30, 2024.
Layunin ng MOU na ito ang isulong ang sustainable rice trade cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam. Mahalaga ito sa pagsiguro ng food security sa bansa, lalo na sa oras ng kakulangan.
Bukod dito, formalized na din ang agreement on cooperation in the field of agriculture kasama ang Ministry of Agriculture and Rural Development ng Vietnam.
Asahan po natin ang mas matibay na partnership ng Pilipinas at Vietnam para mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura sa bansa.
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
Photo Credit: EQ