Isa sa mga adhikain ng Department of Agriculture RFO 12 – Corn Program ay paunlarin ang industriya ng cassava sa rehiyon. Kaya naman, sa pangunguna ng nasabing ahensya, ang Pobusilla Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative ay nagdiwang ng ng kanilang Cassava Harvest Festival ngayong araw, Marso 06, 2024 sa Brgy. Poblacion, Tampakan, South Cotabato.
Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng nasabing kooperatiba at mga opisyales ng Tampakan. Ang kahintulad na aktibidad ay isinagawa rin sa Tulunan, Cotabato Province kahapon Marso 05, 2024.
Ang mga magsasaka ng cassava ay lubhang nasiyahan sa malaking kitang naibigay ng pagtatanim ng nasabing produkto.
Samantala, ang DA RFO 12 ay patuloy na sumusuporta sa mga magsasaka ng cassava sa pamamagitan ng pagbibigay ng interbensyong pang agrikultura at mga makinaryang makakatulong sa kanilang produksyon.