
PROTEKTAHAN ang palayan sa banta ng peste sa parating na 3rd quarter
Magtanim ng barayting may resistensya sa pesteng karaniwang umaatake sa lugar.
Magtanim nang sabay-sabay kasama ang mga kapit-bukid upang makaiwas sa matinding pinsala ng mga peste.
Iwasang sobrahan ang abono para di maakit ang peste. Mag split application lalo na ang patabang urea.
Iwasan ang laging babad sa tubig na palayan para hindi maging angkop sa pagdami ng peste at sakit.
Linisin ang pilapil at regular na bisitahin ang palayan.
Kung grabe ang pesteng umatake dati, araruhin muna ang palayan pagkatapos mag-ani para mawala ang pinamamahayan at pagkain ng mga peste.





