#ConsolidatedFarming | Tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng South Cotabato at ahensiya ng gobyerno ang pagpapalaki ng produksyon ng palay sa rehiyon sa pamamagitan ng consolidated farming.Noong May 31, nagsimula na ang implementasyon ng programa ng Provincial Government of South Cotabato na Consolidated Rice Production and Mechanization System (CRPMS) sa Brgy. Dajay sa bayan ng Surallah.Sabayang nagtanim ng binhing mula sa Department of Agriculture 12 ang mga magsasakang miyembro ng Upper Valley Agriculture Cooperative gamit ang makabagong makinarya gaya ng riding type mechanical rice transplanter mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.Ayon sa South Cotabato Provincial Agriculture Office, target nilang matamnan ang higit sa 200 ektaryang lupain sa naturang bayan bilang suporta sa adhikain ni Governor Reynaldo Tamayo, Jr. na maging sapat at mura ang presyo ng mga pagkain sa probinsya.Maliban sa DA 12, magbibigay din ng kani-kanilang suporta sa programa ang National Food Authority, Philippine Rice Research Institute, National Irrigation Administration (NIA), Agricultural Credit Policy Council, Cooperative Development Authority, Agricultural Training Institute, Department of Trade and Industry Cooperative Development Authority at mga pribadong kumpanya.#AgriTayoSoccsksargen Post navigation Agribusiness and Marketing Assistance Division of the Department of Agriculture 12 is looking for kalabasa buyers Best Roasted Coffee Beans during the 1st Municipal Coffee Expo in 2021