RABIES AWARENESS MONTH CELEBRATION 2024 MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Bilang pagtugon sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month dito sa Probinsya ng South Cotabato, isang programa ang ginanap noong ika-13 ng Marso, 2024 sa covered court ng Provincial Capitol.

Sa ilalim ng pamunuan ni Gov. Reynaldo S. Tamayo, Jr., sinimulan ng Provincial Veterinary Office ang nasabing programa sa pamamagitan ng Motorcade/Caravan na umikot sa mga pangunahing kalsada dito sa lungsod ng Koronadal. Matapos ang motorcade, nagkaroon ng diskusyon tungkol sa responsible pet ownership tulad ng Basic Dog Training at Demonstration on Dog Handling na pinangunahan nina Dr. Errol B. Javier at Dr. Rowel De Guia. Nagkaroon din ng Free Rabies Vaccination at Product display presentation ng mga private companies.

Kalahok sa nasabing programa ang mga sumusunod: City Veterinary Office sa panguguna ni Dr. Charlemagne Calo, DA-RFO XII Livestock and Integrated Laboratory Division kaagapay sina Dr. Neil Doton at Dr. Jeneffer R. Bulawan, Integrated Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr. Rogelio Aturdido, Municipal Agriculturist Office ng Tantangan, Polomolok, Tupi at Tampakan, mga private companies tulad ng Nutrichunks PH, VetMate Farma Corp., Pilmico , AVLI Biocare Inc., JB Javellana Agrivet Supplies, Inc., Plaridel at Top Breed Dog Meal.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Provincial Veterinary Office sa lahat ng sumuporta at aktibong tumugon sa mga ganitong hakbang.

#SouthCotabatoAngatkasalahat

#rabiesawarenessmonth2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *