#BantayPresyo | “Let’s work together kung paano tayo makatulong sa ating mga magsasaka at mangingisda.” Ito ang inihayag ni Regional Executive Director Roberto T. Perales sa ginanap na Regional Bantay Presyo Monitoring Team (RBPMT) Quarterly Meeting ngayong araw sa Koronadal City.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga lumahok sa pagpupulong na kinabibilangan ng mga kawani mula sa Department of Agriculture, mga attached bureaus and agencies nito at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang national line agencies at mga lokal na pamahalaang panlalawigan ng rehiyon.

Ang nasabing pagtitipon ay mahalaga dahil ito ay magsisilbing paraan upang maaksyunan at matugunan ang anumang problema sa mga presyo ng prime at basic agricultural commodities.

Ang aktibidad ay naglalayong ipakita ang data at tukuyin ang anumang makabuluhang pagbabago o anomalya sa presyo ng mga bilihin ng agri-fishery sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *